Sa kanyang edad ay hindi mo iisiping naghahanap buhay pa si lola Porferia o mas kilala bilang Lola Ibyang.
Sa Facebook post ng netizen na si Katrina Victoria, ibinahagi nito ang mga larawan ni lola Ibyang. Naisip niyang ipakalat ang mga larawan ni lola upang makita ng ating mga kababayan ang kalagayan ng matanda.
Si lola Ibyang ay nagtitinda ng mga basahan sa sa kahabaan ng Daang Hari SB malapit sa T-intersection sa Commerce Ave, Alabang. Ang paghahanap buhay ni lola ay para raw sa kanyang mga apo.
Kwento ni Katrina, taong 2015 pa niya kilala si lola Ibyang. Umaasa siyang sa pamamagitan ng kanyang post ay marami ang tutulong sa matanda.
Nanawagan rin siya sa mga taong mapapadaan sa lugar kung saan nagtitinda si lola na huminto saglit at bumili ng kanyang mga paninda bilang simpleng tulong.
Magiging masaya na din umano si Lola Ibyang kung kakamustahin din siya ng mga tao.
Narito ang buong post ni Katrina:
"Christmas is the season of giving.
Meet Lola Ibyang. She’s already 89 years old but still working hard for her grandchildren. We've known her since 2015 and she still remembers us. Please, if you happen to pass by her spot along Daang Hari SB just a few meters past the T-intersection of Commerce Ave., from 2pm to 5pm, stop and buy a pack of basahan from her for 100 pesos. 20 pesos lang her profit per pack, the rest goes to her supplier. You can also just say hi, it will surely bring a smile on her face.
Please share lola's story. Let's make this viral! ??
"UPDATE: One of lola's apo messaged me asking everyone to hear their side. I have been seeing comments from people judging lola's relatives for letting her work. Please read see our chat screenshots below and hope that it will help clear lola’s relatives from all the bashing."
"Bumping this. Please see update. Again, wag na sana mambåsh ang mga tao. Kung gusto tumulong, tumulong nlng na wala nang maxadong madaming hanash. Tsk!""
0 Comments