Gaya na lang ng batang ito na nagngangalang John Jeff Camasis, 19 taong gulang, isang estudyante mula Barangay Labawon, Buhi, Camarines Sur. Ang kaniyang obra na pinamagatang "Leaves 1" ay sadyang ikinamangha at kinabilliban ng maraming netizens ng ito ay kaniyang ibinahagi sa kanyang Facebook account.
Sa sobrang husay at ganda ng pagkakaguhit ay aakalain mong totoo ang mga dahon na ito, na tila ay katatapos lang mapaliguan ng malakas na ulan. Kamakailan pa nga ay naging tampok ang obra na ito ni John Jeff sa mga tanyag na mamamahayag at ilang sikat na istasyon. Laking tuwa at saya naman ng binata ng maitanghal sa mga kilalang balitaan ang talento niyang ito.
Ayon pa sa Facebook post ni John Jeff, ilang buwan niyang pinagpaguran at pinagpuyatan ang kanyang obra bago ito tuluyang matapos.
Nang tanungin ang binata tungkol sa kaniyang naging inspirasyon upang maiguhit ang larawan, nasabi na lang niya na ito ay naglalarawan ng mga pagsubok at pinagdadaanan ng bawat isa sa atin ngayon.
Mapapansin na ang ilang mga dahon ay nauubos at nasisira na dahil sa pagkain ng mga uod. Ngunit sa kabila ng mga ito ang mga dahon ay patuloy na umuusbong at nagpapatuloy sa pamumuhay kahit hindi na ito buo. Binigyang diin din niya na importante na huwag mawalan ng pag asa. Dahil ang ating pangarap ay darating at mapapasaatin din sa tamang panahon.
Sa Facebook post ng binata ay ibinahagi din niya ang isang video na nagpapakita ng unti unting pagkabuo ng kaniyang guhit mula sa pagiging isang blankong papel lamang.
Patuloy rin ang pasasalamat ni Jeff sa mga sumusuporta at lubos na bumilib sa kanyang iginuhit na larawan.
Bukod dito, si John Jeff ay mayroon din ibang obra tampok ang iba't ibang mga larawan. Isa dito ay ang larawan ng sikat na mga karakter na si Iron Man at Captain America. Tunay na kahanga-hanga at world-class ang talentong ipinakita ni John Jeff, sanay bukod sa pagkilala sa kaniyang mga likha ay maging matagumpay din siya sa buhay at matupad ang kaniyang mga pangarap.
0 Comments