Ayon sa PEP, si ex-Pangasinan governor at former TV personality Oscar Orbos ang tatay ni Franz Luke Sioson Orbos, ang lalakeng nakunan ng video habang nagwawala noong Miyerkules, July 14.
Nagsimula ang lahat nang sitahin ng traffic enforer si Franz dahil wala sa lugar ang pagpaparada nito ng sasakyan na nakaapekto sa daloy ng trapiko sa may Susana Heights Road, Barangay Tunasan, Muntinlupa City.
Kuha sa video ang pagwawala, pagmumura, at pang-iinsulto ni Franz sa traffic enforcer at sa mga miyembreo ng Philippine National Police (PNP). Maririnig sa video ang, “bakit mo ako titiketan? Ano ang ginawa ko? Hindi n’yo ba ako kilala? Hindi n’yo ba kilala ang tatay ko?”
“Kilala mo ang tatay ko? Bakit n’yo ako ginaganito? Pu....a kayo, ginagago n'yo ako. Feeling n’yo takot ako sa inyo?”
Dahil hindi na mapigilan ang pagwawala ng lalaki ay nagtulong-tulong na ang mga pulis na arestuhin at lagyan ng posas ang nagpupumiglas at lasing na si Franz.
Direct assau1t, alarms and scanda1, resistance and dis0bedience to a person in authority or agents ang mga kas0ng isinampa laban kay Franz.
Naging host ng defunct television show na Debate with Mare & Pare ng GMA-7 ang tatay ni Franz na si Oscar.
Samantala, hindi lamang pangalan ni Oscar ang nadawit sa nangyaring eskandalo, maging ang mga pangalan nina Fr. Jerry Orbos at dating MMDA General Manager Thomas Orbos dahil pamangkin nila si Franz. Napanood naman ni PNP Chief Guillermo Eleazar ang viral video ni Franz.
Pinuri niya ang mga miyembro ng PNP dahil pinairal nila ang maximum tolerance kahit na matindi na ang pagwawala ng lalaki.
“Napanood ko na ang viral video ng isang nagwalang motorista sa Muntinlupa, at pinupuri ko ang mga pulis na nasa video sa pagpapakita ng tunay na kahulugan ng maximum tolerance.”
“Parang telenovela lang ‘yan, pero ganitong klase ng sitwasyon ang laging hinaharap ng inyong kapulisan sa mga lansangan. Mga tao na hindi marunong rumespeto sa batas dahil pakiramdam nila ay hindi sila sakop ng batas."
“Ang angkang pinagmulan at estado sa buhay ay hindi dapat gamitin upang bastusin ang batas at apakan ang karapatan ng iba, that is why I salute those policemen for showing who the better persons are.
“Kapag binastos mo ang batas at ang mga nagpapatupad nito, sisiguraduhin namin na mananagot ka kahit sino ka man at kung sino man ang tatay mo dahil naniniwala ako na walang matinong magulang ang magkukunsinti sa ganitong klase ng asal ng mga anak,” sabi ni Eleazar.
0 Comments